Aninipot lyrics

by

Shirebound and Busking



[Verse 1]
Naghuhukay
'Di malaman kung may
Ililibing o hinahanap kinakausap
Mga multo ng kahapon at bukas
Binubura ang bakas
Isip nagbago ulit
Ang binura'y muling ginuhit

[Chorus]
Lupa ay bubunuin
Ang kawalan ay pupunuin
At hahagkan ang kahapon
Yayakapin ang ngayon

[Bridge]
Alaala
Nais bang mawala ka na nang tuluyan?
Bakit 'di mabitawan?

[Verse 2: Bea Lorenzo]
Naghuhukay nang walang humpay
Kumpas ng luha ay sumasabay
Lungkot ay lalamunin ng dilim
'Di abot ng buwan ang ilalim
[Chorus]
Lupa ay bubunuin
Ang kawalan ay pupunuin
Hahagkan ang kahapon
Yayakapin ang ngayon

[Outro]
Lupa ay bubunuin
Ang kawalan ay pupunuin
Hahagkan ang ngayon
Yayakapin ang noon
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net