Minsan lyrics

by

Ensemble



[YOUNG HECTOR]
Minsan sa may kalayaan tayo'y nagkatagpuan

[YOUNG EMMAN]
May mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay

[YOUNG ANTHONY]
Sa ilalim ng iisang bubong
Mga sikretong ibinubulong
Kahit na anong mangyari
Kahit na saan ka man patungo

[YOUNG HECTOR & YOUNG EMMAN & YOUNG ANTHONY]
Ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
Kung sakaling gipitin ay laging iisipin
Na minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan

[ENSEMBLE]
Ah ah ah ah...

[YOUNG HECTOR]
Minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin

[YOUNG ANTHONY]
Inuman hangang sa magdamag na para bang tayo'y mauubusan
[YOUNG EMMAN]
Sa ilalim ng bilog na buwan
Mga tiyan nati'y walang laman
Ngunit kahit na walang pera
Ang bawat gabi'y anong saya

[YOUNG HECTOR & YOUNG EMMAN & YOUNG ANTHONY]
Ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
Kung sakaling gipitin ay laging iisipin
Na minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan

[YOUNG HECTOR & YOUNG EMMAN & YOUNG ANTHONY & ENSEMBLE]
Minsan ay hindi mo na alam ang nangyayari
Kahit na anong gawin
Lahat ng bagay ay merong hangganan
Dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon
Di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan

[YOUNG HECTOR & YOUNG EMMAN & YOUNG ANTHONY]
Ngunit kung sakaling mapadaan baka
Ikaw ay aking tawagan

[YOUNG HECTOR]
Minsan sa may kalayaan tayo'y nagkatagpuan
[YOUNG EMMAN]
Kahit anong gawin
Lahat ng bagay ay mayroong hangganan

[YOUNG ANTHONY]
Ngunit kung sakaling mapadaan baka
Ikaw ay aking tawagan

[YOUNG HECTOR]
Dahil minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net