Di Na Iibig lyrics
by Pilita Corrales
[Verse 1]
Ang puso ko ngayo'y nadala nang magmahal
Buhat ng aking damhin ang lumbay
Unang pag-ibig ko na hindi ko nakamtan
'Di malilimot habang may buhay
[Verse 2]
Nagdurusa ako nang malabis sa buhay
Dahil sa pagsintang tunay
Ang aking tanging minamahal
Nahimok ng ibang magsalawahan
[Verse 3]
Ang puso kong ito'y nawalan na ng langit
At ang nalalasap ay luhang kay pait
Nang aking malasap ang pait ng pasakit
Ay hindi na muli akong mapaiibig