Ikaw Na Lamang - Matud Nila lyrics

by

Pilita Corrales



[Verse]
Kalungkutan sa unang pag-ibig
Ang sinapit ng pusong sabik
Ako raw ay walang maiaalay
Kahit kaunting ligaya, 'pagkat salat sa yaman
Nasugatan ang aking damdamin
Nanghihinayang ako sa iyo giliw
Kung sakaling sawi man ang puso
Subalit tunay ang pagsuyo

[Chorus]
Kayamanan ko hanggang pumanaw
Ang pag-ibig mong tanglaw sa buhay
Binabanggit kita sa panalangin
Lumigaya ka't pagpalain
Ay aking mahal, ikaw na lamang
Ang ligaya ko sa kalungkutan
Tuwing sasapit ang gabing tahimik
'Di kita malimot sa pag-ibig

[Outro]
'Di kita malimot sa pag-ibig
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net