Panyo lyrics
by Pilita Corrales
[Verse 1]
Tangi niyang naiwan ay isang panyo
Sa gabi at araw ay sinasamyo
[Chorus]
At palaging wari'y naririnig
Ang sakdal lambing na kanyang tinig
Bakit ba ganyan ang umiibig?
Sa puso ay luha ang pandilig
[Verse 2: Pilita Corrales, Filipinas Singers]
Tuwing masisilayan (Tuwing masisilayan)
Ang kanyang panyo (Ang kanyang panyo)
Gunitang larawan (Larawan) ng kanyang anyo
[Chorus]
Sa bulsang malapit sa 'king puso
Ay doon palaging nakatago
Araw at gabi, sinasamyo
Karugtong ng buhay itong panyo
[Outro]
Karugtong ng buhay itong panyo