Ang Dalaga Noon At Ngayon lyrics

by

Pilita Corrales



[Verse 1]
Ang dalaga noong araw 'di tulad ng dalaga ngayon
Tunay na umiibig ngunit ayaw pang sumang-ayon
Kung kulang sa tiyaga ay maiinip sa kanyang tugon
At 'pag minalas pa, maghihintay ng habang panahon

[Verse 2]
Ang dalaga ngayon ay masasabing may katapatan
Kung gusto rin lamang, 'di ka na ga'nong pahihirapan
May mga batang-bata na makikitang may nobyo na
Hindi tulad noong araw na ulyanin na ay dalaga pa

[Verse 3]
Ang dalaga natin ngayon at dalaga noong araw
Asal man ay magkaiba, kapwa may puso at dangal
Ang dalaga ngayon ay kung magdamit, sunod sa moda
Ngunit noong araw, binti man niya'y 'di makikita

[Verse 2]
Ang dalaga ngayon ay masasabing may katapatan
Kung gusto rin lamang, 'di ka na ga'nong pahihirapan
May mga batang-bata na makikitang may nobyo na
'Di tulad noong araw na ulyanin na ay dalaga pa

[Verse 3]
Ang dalaga natin ngayon at dalaga noong araw
Asal man ay magkaiba, kapwa may puso at dangal
Ang dalaga ngayon ay kung magdamit, sunod sa moda
Ngunit noong araw, binti man niya'y 'di makikita
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net