Matagal Na Rin lyrics
by Pilita Corrales
[Verse 1]
Matagal na rin akong dalangin nang dalangin
Sa Poong Maykapal, sa Mahal na Birhen
Na ako ay ilayo sa buhay na madilim
[Verse 2]
Diwa yatang tugon sa aking hinihiling
Nang ikaw ay dumating sa daigdig ko, giliw
Puso ko'y natutong dumanas ng aliw
[Verse 3]
Ikaw ang yaman ng aking buhay
Tanging bituin sa 'king karimlan
Sagipin ang kawawa kong lumbay
Sa lapot ng saya at huwad na kinang
Ng aking magulong kalagayan
[Verse 4]
Ikaw ang tangi kong kaligtasan
Ikaw ang tangi kong kalayaan
Pag-ibig ko sana ay suklian
Pagsuyong tunay sa aki'y ialay
Ng kawawang buhay ko'y malunasan
[Verse 5]
Ikaw ang tanglaw ng aking buhay
Umilaw sa aking halamanan
Muntik nang 'di sikatan ng buwan
Yakapin lamang nang maging matatag
Ang 'di mapalagay kong kapalaran