Lahat ng Araw lyrics
by Pilita Corrales
[Intro]
Sa bawat sandali, tayo ay makapiling
Ang bawat lunggati, pakinggan ang hiling
Ang puso ko’t budhi ay hindi sinungaling
Sana ay uliligin damdamin ko, giliw
[Verse 1]
Asahan, pangarap nitong buhay
Lahat ng araw kita’y mamahalin
Iwasan ang iyong alinlangan
Lahat ng araw kita’y mamahalin
[Verse 2]
Sa labi ng himbing kamatayan
Itangi yaring pagmamahal
Tulutan magtapat sa ‘yo, hirang
Lahat ng araw kita’y mamahalin
[Outro]
Lahat ng araw kita’y mamahalin