Lambingan lyrics

by

Pilita Corrales


[Verse 1]
Ay, kay tamis hirang
Ng pagsintang tunay
Ang lahat ay buhay
Lalo't ika'y kapisan

[Verse 2]
Kung sa 'yo'y mawalay
Palad ko'y hihina
At kung walang lambingan
Mabuti pa, mabuti pang ako'y pumanaw

[Verse 3]
Sa piling mo, sinta ko
Napapawi ang lungkot
Napaparam, nagbabago
Ang lahat ng himutok
At sa tuwi mong hahagkan
Ang pisngi kong mabango
Ay tuluyang napaparam ang hirap ko

[Verse 4]
Kung tayo'y magkasayaw
Magkayakap sa galak
Ang langit ng bagong buhay ay aliwalas
Sa suyuang matimyas
Nalilimot ang lumbay
At patuloy ang sarap ng matamis na lambingan
[Verse 5]
Sa suyuang matimyas
Nalilimot ang lumbay
At patuloy ang sarap ng matamis na lambingan
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net