Bulung-Bulungan lyrics

by

Pilita Corrales

[Verse 1]
Huwag kang manalig sa bulung-bulungan
Na ikaw, giliw, ay pinagtaksilan
'Pagkat maraming naiinggit lamang
Sa ating labis na pagmamahalan

[Verse 2]
Kung ninanais mong mapatunayan
Na ang pag-ibig ko'y laging dalisay
Dibdib ko, giliw, ay buksan mong tuluyan
Sa puso ko'y malasin ang pagsintang tunay

[Verse 3]
Hindi mo lamang batid ang tunay kong damdamin
Giliw, ikaw lamang ang iibigin
Kahit libong dusa ay hahamakin
Kung ikaw ang magdudulot ay ligaya sa akin

[Instrumental Break]

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net