Noong Unang Panahon lyrics
by Pilita Corrales
[Verse 1]
Noong unang panahon, ang langit at lupa'y
Magkaratig halos, laganap ang tuwa
Kapag sa banga, ni butil ay wala
Ang gubat at ilog, may handang biyaya
[Verse 2]
Noong unang panahon, ang sikat ng araw
Ay nagpapalago sa bawat halaman
Bakit kaya ngayon, kay init ng darang
Ilog tinutuyo, parang tinitigang?
[Verse 3]
Noong unang panahon, ang patak ng ulan
Pinasasariwa dahong naninilaw
Ngayo'y nagngangalit, may hanging kasabay
May bahang kasunod na nakamamatay
[Verse 4]
Noong unang panahon, ang puso ng tao'y
Marunong magmahal, hindi nanloloko
Sa hapis ng iba'y laang makisalo
Lalong pumayapa at hindi manggulo
[Verse 5]
Pati na ang langit, na dati'y kay baba
Ay nagpakalayo sa ulilang lupa
Bathala gumising, tuyuin ang luha
Ng nananawagan at nagpapaawa
[Verse 6]
Noong unang panahon ang langit at lupa'y Magkaratig halos, laganap ang tuwa
Bathala gumising, tuyuin ang luha
Ng nananawagan at nagpapaawa
[Verse 7]
Noong unang panahon
Noong unang panahon
Noong unang panahon