Maghihintay Ka Ba? lyrics
by Pilita Corrales
[Verse 1]
Tingnan mo ang bulaklak, naghihintay ng ulan
Masdan mo ang gabi, naghihintay sa buwan
Silipin mo ang araw, naghihintay ng umaga
Ang iyong tagumpay, hihintayin mo ba?
[Chorus]
Maghihintay ka ba at 'di maiinip?
Puno ng pag-asa ang puso at isip
Mga oras, 'wag nang bilangin pa, ah-ah
Mahalaga'y maghihintay ka ba?
[Instrumental Break]
[Verse 2]
Pusong nagmamahal, naghihintay na mahalin
Mga awit ng pag-ibig, naghihintay na awitin
Pangako ng pagsuyo, naghihintay na sambitin
Ang tibok ng puso'y naghihintay na dinggin
[Chorus]
Maghihintay ka ba at 'di maiinip?
Puno ng pag-asa ang puso at isip
Mga oras, 'wag nang bilangin pa, ah-ah
Mahalaga'y maghihintay ka ba?
Maghihintay ka ba at 'di maiinip?
Puno ng pag-asa ang puso at isip
Mga oras, 'wag nang bilangin pa, ah-ah
Mahalaga'y maghihintay ka ba?
Mahalaga'y maghihintay ka ba?