Munting Hiling lyrics

by

Hannah Precillas


[Verse 1]
Walang kasing dakila
Higit at pinagpala
Kapag naririning mo ang hiling ng 'yong kapwa
Hindi ba't mas mapalad pusong may pang-unawa
Inalay mong ligaya ay hindi mawawala

[Chorus]
Kung may pag-ibig ay may pag-asa
Na ang dulot ay laging saya
Ang pagtulong ay huwag ipagkait
Pang-unawa ang ating ihatid
Tayo ay laging magsama-sama
Ang ialay natin ay saya
Ang mundo'y tunay na kay ganda
Kung may pagkakaisa

[Verse 2]
Ang bawat kahilingan kung mauunawaan
Mawawala ang galit at tampo ng sinuman
Bigyan mo ng pag-asa ang taong nagdurusa
Na ang liwanag ay sumikat sa bawat isa

[Chorus]
Kung may pag-ibig ay may pag-asa
Na ang dulot ay laging saya
Ang pagtulong ay huwag ipagkait
Pang-unawa ang ating ihatid
Tayo ay laging magsama-sama
Ang ialay natin ay saya
Ang mundo'y tunay na kay ganda
Kung may pagkakaisa
[Bridge]
Dapat nating buksan ang isip at damdamin
Huwag nang ipagkait itong ating munting hiling sa 'yo

[Chorus]
Kung may pag-ibig ay may pag-asa
Na ang dulot ay laging saya
Ang pagtulong ay huwag ipagkait
Pang-unawa ang ating ihatid
Tayo ay laging magsama-sama
Ang ialay natin ay saya
Ang mundo'y tunay na kay ganda
Kung sa puso ay may pagkakaisa
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net