Bukod-Tangi lyrics

by

Unique Salonga


Kahit may paghiyaw sa 'king pangalan at
Kahit naririnig ang palakpakan ay
Ramdam ko ang pag-iisa

Kahit pa na ako'y habol-habulin at
Kahit marami mang tumatangkilik ay
Ramdam ko ang pag-iisa

Oh, ang pagkakakilanlan
Unti-unting naglalaho
Muli pa ba akong mabubuo

Kahit na magdamagan pang purihin at
Kahit pa na ako ang pag-usapan ay
Ramdam ko ang pag-iisa

Oh, ang pagkakakilanlan
Unti-unting naglalaho
Muli pa ba akong mabubuo
Oh, ang pagkakakilanlan
Unti-unting naglalaho
Muli pa ba akong mabubuo

Ramdam ko ang pag-iisa...
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net