Ilusyon / Noysuli lyrics

by

Abra (PHL)


[Chorus: Arci Muñoz, Abra, Arci Muñoz & Abra]
Nasan na ba ang pagbabago? (Sa'n?)
Wala pa rin pala
Kaming mga bulag sa katotohanan
Ngayon nakakakita na
Kayo na nga 'tong pumapapel
Pati ba naman ngayon nakikipag-plastikan pa
Bahala na kayo sa buhay niyo
Basta 'wag niyo 'kong gagawing tanga
'Wag niyo 'kong gagawing tanga
'Wag niyo 'kong gagawing tanga
'Wag niyo 'kong gagawing tanga
'Wag niyo 'kong gagawing tanga

[Verse 1: Abra]
Ilang dekada na ba? Nakapagtataka na
Wala pa ring pagbabago nang pagkatagal na
Imbis na mataranta, aba nagbabalak pa
Pagtakpan ang matagal nang halatang-halata
Palakihan ng lote, paramihan ng kotse
Para 'di mangamote, bayanihan ng konti
Matapobre, talagang plastikan ang forte
Natutulog sa pansitan na sandigan ng korte
Sakit ng lipunan, kayo ang ebidensya
Sakit, oo pero ngayon ay epidemya
At sa Pilipinas ang mga elektibo
Nagpapaka bibo at hindi epektibo
Puro salita pero ni wala man lang pruweba
Magpapaka-propeta para walang protesta
Sa nakaraang problema, ano ba ang solusyon?
Kung ang lahat nang nakikita ko ay isang ilusyon
[Chorus: Arci Muñoz, Abra, Arci Muñoz & Abra]
Nasan na ba ang pagbabago? (Sa'n?)
Wala pa rin pala
Kaming mga bulag sa katotohanan
Ngayon nakakakita na
Kayo na nga 'tong pumapapel
Pati ba naman ngayon nakikipag-plastikan pa
Bahala na kayo sa buhay niyo
Basta 'wag niyo 'kong gagawing tanga
'Wag niyo 'kong gagawing tanga
'Wag niyo 'kong gagawing tanga
'Wag niyo 'kong gagawing tanga
'Wag niyo 'kong gagawing tanga

[Verse 2: Abra]
Walang nakaisip ng nasa palagid
Mabaho, madumi, at kadalasan mainit
Tambakan ng basura kahit na saang gilid
Nag-traffic parang bang kada kalsada makitid
Laganap na kotongan, sus Maria!
Mga driver tingin sa kanilang bus tamiya
Bayarang kababaihan para boobs makita
Ganyan talaga resulta 'pag kapos ang kita
Kapag umulan, 'wag susubukang bumyahe
Madalas ang pagbaha, may lumulutang na tae
Sandamukal na problema, pupuhunan daw sabi
Tutulungan, tutulugan, tututukan kunyari
Ngayon sabihin niyo kung nasan d'yan ang pagbabago
Baka nakasalamin ako, pagkataas ng grado
Kasalakuyang problema, ano ba ang solusyon?
Kung ang lahat nang nakikita ko ay isang ilusyon
[Chorus: Arci Muñoz, Abra, Arci Muñoz & Abra]
Nasan na ba ang pagbabago? (Sa'n?)
Wala pa rin pala
Kaming mga bulag sa katotohanan
Ngayon nakakakita na
Kayo na nga 'tong pumapapel
Pati ba naman ngayon nakikipag-plastikan pa
Bahala na kayo sa buhay niyo
Basta 'wag niyo 'kong gagawing tanga
'Wag niyo 'kong gagawing tanga
'Wag niyo 'kong gagawing tanga
'Wag niyo 'kong gagawing tanga
'Wag niyo 'kong gagawing tanga

[Verse 3: Abra]
Maraming mga kababayang habang buhay na pagod
'Pagkat hanap nang hanap ng hanapbuhay sa abroad
Iiwan ang pamilya para ang tagumpay ay maabot
Nakakumay ang sagot kaya ako ay nayamot
'Di kayo makapagbigay ng mga trabaho
Kaya 'di dapat kinailangan na mangako
Sa'n na ang pagbabago?
Taray naman, imbis na magbagong buhay, bagong bahay na lang
Habang marami nagugutom at walang matirhan
At abot kaya na gamot, wala man lang mabilhan
Edukasyon sa lahat, 'di magawang pagbigyan
Kayo ang boses ng taong 'di nyo kayang pakinggan
Magandang kinabukasan, na-orasan ko 'yon
'Di ba dapat ngayon ang kinabukan noon?
Kinabukasan ng problema, ano ang solusyon?
Kung ang lahat nang nakikita ko ay isang ilusyon
[Chorus: Arci Muñoz, Abra, Arci Muñoz & Abra]
Nasan na ba ang pagbabago? (Sa'n?)
Wala pa rin pala
Kaming mga bulag sa katotohanan
Ngayon nakakakita na
Kayo na nga 'tong pumapapel
Pati ba naman ngayon nakikipag-plastikan pa
Bahala na kayo sa buhay niyo
Basta 'wag niyo 'kong gagawing tanga
'Wag niyo 'kong gagawing tanga
'Wag niyo 'kong gagawing tanga
'Wag niyo 'kong gagawing tanga
'Wag niyo 'kong gagawing tanga
'Wag niyo 'kong gagawing tanga
'Wag niyo 'kong gagawing tanga
'Wag niyo 'kong gagawing tanga
'Wag na 'wag, 'wag na 'wag
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net