Bulan lyrics
by Coeli
[Verse 1: Shirebound and Busking]
'Sing liwanag ng umaga
No'ng muli kitang makita
Tayo ba ay nagkasalisi
O ikaw ba ay nagkukubli
[Chorus 1: Shirebound and Busking]
O, Bulan
Matagal-tagal ka nang hindi
Nasisilayan
[Verse 2: Shirebound and Busking]
Ikaw ba ay nagtatampo?
Tuwing panganod ay nagtatagpo
Bukas ng gabi, lalabas muli
Baka sakaling
Tanglaw mo'y dadampi
[Chorus 2: Shirebound and Busking]
O, Bulan
Ika'y inaawitan
[Post-Chorus 1: Shirebound and Busking]
Nagtatapang-tapangan dahil ika'y wala
Mayro'n bang patutunguhan ang pagtingala?
[Interlude]
Ooooh
Ooooh
Oooh
Ooooh
Ooooh
Oooh
[Chorus 3: Shirebound and Busking]
O, Bulan
Matagal-tagal ka nang hindi
Nasisilayan
[Post-chorus 2: Shirebound and Busking with Coeli, Shirebound and Busking]
Nagtatapang-tapangan sa kabila ng pangamba
Mayro'n bang hantungan ang pag-iisa
O, Bulan
Ako ba'y iyong iniwan?
[Verse 4: Coeli]
Gabi-gabing sa langit ay nakatingala
Nag-aabang ang awit, didinig ay wala
Dilim ay tumatangis, dinaramdam ay labis
Antok nilalabanan, hinihintay ay nasa'n?
[Outro: Coeli, Shirebound and Busking]
Ngayong andyan ka na
Huwag nang lumisan pa
Bulan