Tanggap Ko Na lyrics

by

April Boy Regino

[Verse 1]
Laging nagtatanong sa aking sarili
Bakit nagkaganito ang lahat?
Paano na ngayon ang ating mga pangarap
Ang tamis ng ating lumipas

[Verse 2]
Kay hirap limutin, kay sakit isipin
Wala ka na ngayon sa aking piling
Bigla kang lumayo at ikaw ay nagbago
Nalulungkot ngayon ang buhay ko

[Pre-Chorus]
At nang ikaw ay bumalik , nalaman ko ang totoo
May kapalit na pala ako diyan sa puso mo
Wala akong magagawa, may pangarap ka palang iba
Nasaktan man ang puso ko, mahal pa rin kita

[Chorus]
Tanggap ko na sa aking damdamin
Ang 'yong pagmamahal ay 'di na para sa 'kin
Pagsuyo at pagtingin, nawala na rin
Ngunit pag-ibig ko, tanging sa 'yo pa rin

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net