Tampuhan lyrics
by Jason Marvin
[Verse 1]
Alam kong may galit, 'di ka sinisisi
Maraming nasabing 'di naman sinasadya
'Di man maitago na nasaktan tayo
Kailangan malaman mong nandito lang ako
[Pre-Chorus]
At kahit pa nagkasakitan
Walang hindi mapapagusapan
At kahit na nagkasagutan
Palagi mo lang tandaan
[Chorus]
Ikaw ang pipiliin ko, kahit na magtalo
Hindi ko kailangang manalo
Ika'y mas mahalaga, kaysa maging tama
Nangako tayo kay Bathala
Ikaw at ako, hanggang sa dulo
[Verse 2]
Ako'y nasa sa sala, ika'y nasa kama
Pero sa panaginip ko yakap kita
Iba ang nasabi sa ibig sabihin
Hindi ko hangarin na mapaiyak kita
[Pre-Chorus]
At kahit na walang pansinan
Ikaw lang ang nasa isipan
At kahit sa gitna ng away
Palagi mo lang tandaan
[Chorus]
Ikaw ang pipiliin ko, kahit na magtalo
Hindi ko kailangang manalo
Ika'y mas mahalaga, kaysa maging tama
Nangako tayo kay Bathala
Ikaw at ako, hanggang sa dulo
Oh, oh (Oh, oh) oh oh, oh oh
[Bridge]
At kahit na nahihirapan
Hinding-hindi kita iiwanan
Panghabang-buhay kitang ipaglalaban
Nais ko lang ipaalam
[Outro]
Ikaw pa rin hanggang ngayon, hindi magbabago
Pag-ibig na pinangako ko
Hindi mag-iiba ang aking pagsinta
Nangako tayo kay Bathala
Na tayong dalawa, hanggang sa pagtanda
Ikaw at ako, hanggang sa dulo