Nasa’king Damdamin lyrics
by Arthur Nery
[Verse 1]
Parang kay bilis naman nating nawalan ng gana
Araw, dapit-hapon
Mm, magdamag kang hinahanap sa pagbangon
Mas pipiliin ko pang punasan
Ang kasinungalingan mo sa'yong labi
Kesa sa 'di tapat mo na luha
[Chorus]
Oh, tila tinatahak lamang natin
Ang tadhanang 'di naman ako ang 'yong kahati
Sana 'di mo na pakawalan
Nangangalay ang aking bisig
Kakaalay sa'king pag-ibig
[Post-Chorus]
Na-nasa'king damdamin
Ikaw lang
[Verse 2]
Oh, dito lang naman nakatutok
Bakit parang lahat ay gumuho?
Habang ako'y kumakapit
Nangangawit na rin sa'yong alaala na parang naiipit
Hanggang kailan muli ang huling sandali
Sa'n na 'ko uuwi?
[Chorus]
Oh, tila tinatahak lamang natin
Ang tadhanang 'di naman ako ang 'yong kahati
Sana 'di mo na pakawalan
Nangangalay ang aking bisig
Kakaalay sa'king pag-ibig
[Bridge]
'Di naman sa 'di nanais na minamahal (Ah-ah-ah)
Sadyang 'di mawari
Lumipas ang sa'tin
Saan ka hahanapin?
[Interlude]
Nasa'king damdamin lang lahat
Ba't 'di mo 'ko dinggin (Woah-oh)
Ang nasa'king damdamin? (Woah-oh)
Nakakaabala ba 'ko sa'yong mga panalangin? (Woah-oh, woah-oh)
[Outro]
'Di naman sa 'di na nais na dinadasal
Wala na ngang sa'tin
'Di kinaya ng dalangin
Parang kay bilis naman nating nawalan ng tahanan