Nagbago Ang Daigdig lyrics
by Zephanie
[Verse 1]
Dati'y 'di iniisip ang pag-iisa
'Di naghahanap ng dahilan o ng saya
Dati'y sanay na mawala at maligaw
'Di inakalang matatagpuan ko ay ikaw
[Pre-Chorus]
Ngayo'y naninibago at nalilito
Sa ingay at gulo ng bagong mundo
Sa piling mo nahanap ang katahimikan
Mga yakap mo ang naging kanlungan
[Chorus]
Oh, ikaw ang nagdala ng mahika
Ang nagbigay, ang nagbigay ng halaga
Dahil sa 'yong pagdating
Nabalutan ng pag-ibig
Nagbago ang aking daigdig
[Verse 2]
Dahil sa 'yo ay natutunan
Puso pala ay isang tahanan
Sa 'yo nakita ang liwanag at kahulugan
Kaya asahang 'di malilimutan kailanman
[Pre-Chorus]
Isang sagot mula sa langit
Kahit kailan walang magiging kapalit
Ako ay habambuhay na nabago
Ng hiwaga ng pagmamahal mo
[Chorus]
Oh, ikaw ang nagdala ng mahika
Ang nagbigay, ang nagbigay ng halaga
Dahil sa 'yong pagdating
Nabalutan ng pag-ibig
Nagbago ang
Nagbago ang lahat
Ikaw ang nagdala ng mahika
Ang nagbigay, ang nagbigay ng halaga
Dahil sa 'yong pagdating
Nabalutan ng pag-ibig
Nagbago ang (Nagbago ang)
Aking daigdig