Tunay Na Minamahal lyrics

by

Zephanie



[Verse]
Akala ko 'di na magmamahal muli
Bilanggo sa 'king nakaraan, pasan ko ang daigdig
Ngunit nang ika'y makita nagkaroon ng pag-asa
Puso kong nangungulila nakatagpo ng makakasama

[Pre-Chorus]
Liwanag ay nakita na
Sa piling mo'y maligaya
Ngunit ang 'yong nadarama sa 'kin ay hindi pala tunay
Ako'y iyong pinaniwala

[Chorus]
Bakit pa muling iibig kung puso'y masasaktan lang
Tinuruan mong umibig pero ako'y pinaglaruan
Parang apoy sa langit
Nilinlang ng 'yong pag-ibig
Akala ko'y natagpuan ang walang hanggan
Pero hindi pala, 'di pala tunay na iyong minamahal

[Bridge]
'Di hahayaan na sa aki'y lumapit pa
Palalayain na ang puso na sa'yo'y umaasa
Sakit na nadadama'y 'di mawala
Ngayon bakit pa? bakit pa?
[Chorus]
Bakit pa muling iibig kung puso'y masasaktan lang
Tinuruan mong umibig pero ako'y pinaglaruan
Parang apoy sa langit
Nilinlang ng 'yong pag-ibig
Akala ko'y natagpuan ang walang hanggan
Pero hindi pala, 'di pala tunay na iyong minamahal
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net