otw lyrics
by ONE CLICK STRAIGHT
[Intro]
One, two, three, four
[Verse 1]
Lumalalim na ang gabi
Sino dito ang nahuli?
Yung iba’y magsasaya
Ako, iniisip lang kita
[Verse 2]
Mga businang nakakabingi
Puro tsismis sa tabi
Pasensya, 'di ko masagot
Ang mga tawag mo
Nang ipit na ipit na ako
[Verse 3]
Sa sitwasyong 'di malutas
Gusto kong iwan sa labas
Napanaginipan ka bigla
Sabay may bumaba
[Pre-Chorus]
At inip na inip na ako
Sa lahat nito
Sana alam mong
[Chorus]
Gusto ko nang umuwi
Susugurin ko na ang lahat
Ayaw ko nang mag-isip
Iiwanan ko na ang bigat
Tatalikuran ko na ang mundo
Nagmamadali na ako
Makakuwi na sa'yo
[Bridge]
Babalik-balik ako
Kahit nabibigo
Malapit-lapit na sa'yo
Kaso panay ang paghinto
Takbuhin ko na 'to
[Chorus]
Gusto ko nang umuwi
Susugurin ko na ang lahat
Ayaw ko nang mag-isip
Iiwanan ko na ang bigat
Tatalikuran ko na ang mundo
Nagmamadali na ako
Tatalikuran ko na ang mundo
Nagmamadali na ako
Makakuwi na sa'yo