Paborito [Acapella] lyrics

by

Hangad


[Verse 1]
Parang timang ako'y lutang 'pag naiisip ka
Nananaginip nang gising at natutulala
Parang lito at tuliro 'pag 'di nagkikita
Sumisikip itong dibdib 'pag ikaw ay wala

[Pre-Chorus]
At 'pag nand'yan ka at tumitig ka, hay (Hay)
At bigla-bigla, gusto ko ng mahabang buhay

[Chorus]
Paborito kitang tao sa mundo
Pa'nong minsan akala mo, nalilimutan ko
Na ibigin kita, eh laging nasa isip ka
Araw-araw (Araw-araw), oras-oras
Gustong-gusto kita

[Verse 2]
Parang hibang, nabubuang 'pag may sorpresa ka ('Pag may sorpresa ka)
Natatawa, namamangha sa dulot mong saya (Dulot mong saya)
Parang baliw, napapraning 'pag di ko mapapantayan ('Di mapantayan)
Pag-ibig mong lumalabis, halos walang masidlan

[Pre-Chorus]
At 'pag nand'yan ka at tumitig ka, hay (Hay)
At bigla-bigla, gusto ko ng mahabang buhay
[Chorus]
Paborito kitang tao sa mundo (Paborito sa mundo)
Pa'nong minsan akala mo, nalilimutan ko
Na ibigin kita, eh laging nasa isip ka
Araw-araw (Araw-araw), oras-oras
Gustong-gusto kita
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net