Sa Iyong Pag-Ibig lyrics

by

Hangad


[Verse 1]
Ako'y nananabik makapiling Ka sa bawat sandali
Walang isang saglit nanaising sa Iyo ay mawaglit
Tangi kong dalangin, manatili
Sa Iyong pag-ibig mamalagi

[Verse 2]
Awitin ko'y hiling na ang 'Yong ngiti ang nais makamit
At sana'y mabatid ang pagkabighani ng aking dibdib
Kung hindi man sasapat ang paghimig
Hayaang buhay ko'y sa 'Yo maiawit

[Verse 3]
Ako'y yakapin Mo, h'wag Mong pahihintulutang malayo
Poon pakinggan Mo ang sigaw ng pusong naakit sa 'Yo
Sa hustong paggiliw Mo ay lingapin
Nang sa bawat pagpintig ay hanapin

[Chorus]
O pag-alabin Mo
Adhika ng puso'y pagningasin Mo
Ako'y yakapin Mo
Sa Iyong pag-ibig ay itago Mo

[Outro]
Ako'y yakapin Mo
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net