Awit ng Pag-Asam lyrics

by

Hangad


[Verse 1]
Tulad ng usang uhaw sa tubig ng batis
Ang aking kaluluwa sa Yo'y nananabik
Sa Iyong dambana ako'y aawit, sasamba
Tanging hangad ng buhay ko'y Ikaw, walang iba

[Chorus]
Ikaw lang Panginoon, lakas ko't tanggulan
Pusong tigib sa hirap, Ikaw ang tanging asam

[Verse 2]
Ang pagod kong diwa ay Iyong pahupain
Magdamag na pagtangis sana ay aliwin
Masdan ang wangis kong hanap ang Iyong langit
Bagabag na kalooba'y punan ng pag-ibig

[Chorus]
Ikaw lang Panginoon, lakas ko't tanggulan
Pusong tigib sa hirap, Ikaw ang tanging asam

[Verse 3]
Tulad ng usang uhaw sa tubig ng batis
Ang aking kaluluwa sa Yo'y nananabik
Sa Iyong dambana ako'y aawit, sasamba

[Outro]
Tanging hangad ng buhay ko'y Ikaw, walang iba
Tanging hangad ng buhay ko'y Ikaw, walang iba
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net