Umawit Kayo! lyrics
by Hangad
[Chorus]
Umawit kayo ng bagong awitin sa Panginoong butihin

[Verse 1]
Yahweh kong mahal, kahanga-hanga ang 'Yong mga Kamay
Ang bisig Mo aking tagumpay
Ipinakilala ng aking Diyos sa lahat ng bansa
Kanyang kapangyarihan at awa
[Chorus]
Umawit kayo ng bagong awitin sa Panginoong butihin
[Verse 2]
Yahweh kong tapat, 'di Mo nilimot ang 'Yong mga sumpa
Ang pag-ibig Mo laging matatag
Ngayo'y umaawit buong daigdig sa Iyong tagumpay
At paghango sa amin, 'Yong bayan
[Chorus]
Umawit kayo ng bagong awitin sa Panginoong butihin
[Verse 3]
Yahweh kong Ama, kay luwalhati ng 'Yong mga likha
Sa kalangitan may pagdiriwang
Ang mga dagat at ilog man ay nagsusumigaw
Sa 'Yong kadakilaan at dangal
[Chorus]
Umawit kayo ng bagong awitin sa Panginoong butihin
[Bridge]
Magsumigaw sa kaligayahan
Itanghal, kadakilaan ng Diyos
Ng Diyos
[Chorus]
Umawit kayo ng bagong awitin sa Panginoong butihin
[Outro]