Kuya Cesar lyrics
by Gloc-9
[Chorus: Gloc-9]
Hayaan mong kausapin kita ngayon ng masinsinan
Halika dito, huwag kang kabahan
Hayaan mong kausapin kita ngayon ng masinsinan
Huwag kang mag-alala, hindi ko bibilisan
[Verse 1: Gloc-9]
Ang daming tao nung ako ay dumating
Pero aninag mga mukha kahit sa dilim
Iniisip ano kaya ang pwedeng kantahin
Mamaya pa naman yata ako, maaga pa din
Kasi bawal ang 'di umabot sa pinag usapan
Dapat ay di ka madamot, bawasan ang yabang
Nakaupo, naghihintay sasabihan na lamang
Inalok ako ng alak, tumangging magalang
Pasensya na kuwarenta na, kunwari
Kasi kulang yan ng pito, hindi ko din ugali
Ang mag-lasing kapag nasa trabaho, may sumagi
Tapos ikaw ang natanaw tila papauwi
Akala mo siguro di ako pupunta dito
Kaso pumayag sa usapan, meron pang resibo
Hindi ako yung tipo na tao na agresibo
Kaso kailangan nating mag-usap, halika dito
[Chorus: Gloc-9]
Hayaan mong kausapin kita ngayon ng masinsinan
Halika dito, huwag kang kabahan
Hayaan mong kausapin kita ngayon ng masinsinan
Huwag kang mag-alala, hindi ko bibilisan
[Verse 2: A$tro]
Karapat dapat ng manduhan, ang dami nang pabor
Puro sagasa na, gago 'yan! Kasawa maghabol
Akala yata kami't laruan, ibahin mo 'ko doon
Kung yung kwento mo hilaan, ako mapagpatol
Panay patama kalang sa 'kin, ang babaw ng sinalin
Pero 'pag ako bumuwelo, ika'y makakain
Sisingaw yung baho, kahit na itago
Pabago-bago ng kaibigan, halata masyado
Dumarami ang kapalpakan, at atraso
'Di na kita kayang sagipin, abunado
Busugin ng pangangaral 'yan, hanggang matuto
Kung hindi pa, dapat tablahin, laki ng ulo
Ngayon, damang dama mo na ang salita
'Wag lang sana sasama ang iyong loob
Binalik ko lang, at pinapamukha
Paliit nang paliit na yung bilog
[Chorus: Gloc-9]
Hayaan mong kausapin kita ngayon ng masinsinan
Halika dito, huwag kang kabahan
Hayaan mong kausapin kita ngayon ng masinsinan
Huwag kang mag-alala, hindi ko bibilisan
[Verse 3: Abaddon]
Pare, kailangan nating magusap, halika dito
Bago ko pa makurot at masampal 'yang pisngi mo
Nang 'sang balot ng isang libong tig-lilimang piso
Ngayon sa 'kin mo sabihin, 'di kung kani-kanino
Ang dami mong talksh*t, napaka-toxic
Mo naman lodi, pare huwag ako, don't me
Lalakeng marites dapat pangalan mo'y Tolits
Bunganga mo boss, sarap buhusan ng Bostik
Bakit di ka makatingin? Puro ka iling
Para kang binging 'di makadinig
Ang sarap mong bitin tapos ihian ang bibig
'Kala mo di kita bibilin, ha?
Bakit ka nanginginig at nangingilid ang luha mo
Ba't dibdib biglang naninikip?
Pasalamat ka kay San Miguel, kahit ang sarap mong mapisil
Ay marunong parin akong magpigil
At 'di tayo parehong mag-isip
Kahit bali-baliktarin, pare 'di tayo magka-lebel
Pero sana huwag mo'ng antayin pa na'ng paningin ko ay magdilim