Pinangarap Lang Kita lyrics
by Kyle Raphael
[Verse 1]
Nung ika’y nakilala
Parang habang-buhay, nagliligaya
Ako'y nahulog na sa 'yong ngiti
Ikaw ang nasa isip sa gabi
[Pre-Chorus]
Nais aminin sa iyo
Gustong-gusto kita
Pero pa'no ba ito
Sa'n ba magsisimula
[Chorus]
Pinapangarap lang kita, sinta
Ibibigay ang oras ko sa tuwina
Gabi't umaga'y ikaw lang ang laman ng isipan ko
'Di ito magbabago
Mahal, pangako ko sa iyo
Ikaw lang ang pangarap ko
Ooh-oh
[Verse 2]
Sana'y malaman mong mahal kita
'Di na matago ang aking nadarama
Nagdaan ang mga buwan at taon
Laman ng puso'y ikaw pa rin
[Pre-Chorus]
Nais aminin sa iyo
Gustong-gusto kita
Pero pa'no ba ito
Sa'n ba magsisimula
[Chorus]
Pinapangarap lang kita, sinta
Ibibigay ang oras ko sa tuwina
Gabi't umaga'y ikaw lang ang laman ng isipan ko
'Di ito magbabago
Mahal, pangako ko sa iyo
Ikaw lang ang pangarap
[Bridge]
Andito ako, akin nang aaminin
Ang sigaw ng damdamin
At ang aking pagtingin
Kung hindi, mo maibabalik
Ayos lang naman sa akin
Ikaw ay mahal pa rin
[Chorus]
Pinangarap lang kita, sinta
Balang-araw sana'y may tayo na
Makakasama nang tumingin sa tala
May pag-asa ba
Meron pa sana
Pinangarap lang kita
Pinangarap lang kita