Hanggang Tingin lyrics

by

Kyle Raphael

[Verse 1]
Paano sasabihin sa'yo?
Kung 'di rin naman ako ang iyong gusto
'Di na ba magbabago ang isip mo?
Kasi lagi kitang naiisip, jusko

[Pre-Chorus]
Yakap-yakap kita sa panaginip na 'to
Sa paraisong ako ang iyong gusto
'Di bale na, kung kaibigan lang talaga

[Chorus]
'Di mo kailangan na maawa sa akin
Wala rin tayong kailangang baguhin
Basta't nariyan ka
Ayos na hanggang tingin na lang talaga

[Verse 2]
Paano sasabihin sa'yo?
Na kung kasama ka, ayaw nang lumayo
Naiisip mo rin kaya ako?
Hinahanap rin ba ang mga yakap ko?

[Pre-Chorus]
Hawak-hawak kita sa paraiso na 'to
Isang panaginip na ako'y iyong gusto
Pasensya na, sadyang nahulog lang talaga
[Chorus]
'Di mo kailangan na maawa sa akin
Wala rin tayong kailangan baguhin
Basta't nariyan ka
Ayos na hanggang tingin na lang talaga
'Di mo kailangan na maawa sa akin
Hindi naman kita kayang pilitin
Oh, 'wag ka lang mawala
Ayos na hanggang tingin na lang talaga

[Post-Chorus]
Hanggang tingin na lang (Pasulyap-sulyap lang sa'yo, baka sakali lang na mapansin mo)

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net