Sulitin lyrics

by

1096Gang



[Intro]
Yo! Kumusta na?
Alam ko marami rin kayong iniisip
Kaya ikanta na lang natin 'yan
Ooh, ooh
La la la la la la la la

[Chorus]
Dami kong pinagdaanan at hindi 'yon madali
Pero kahit na gano'n ay mas pinili ko pa rin na ngumiti
Kasi napakaikli lang din naman ng buhay, ang bilis ng sandali, yeah
Mas mabuti na sulitin ang saya imbis na puro pighati
Kasi ganyan lang ang buhay, 'wag mainipin
Kung ano ang parating, 'wag masyadong isipin
May mangyari mang mali, 'la kang dapat sisihin
Pa'no ka magbabawi, 'yon ang dapat isipin

[Verse 1]
Dami kong pinapangarap abutin
Mga bagay na hindi ko balak angkinin
Tiwala sa proseso, kailangan 'di mainipin
Bigay mo ang lahat habang kumpleto pa ang ngipin
At kung ako naman ang tatanungin
Ano'ng plano ko bago ako maging anghel?
Gusto ko umasenso para 'di na nabibitin
Sa mga bagay na gusto ko lang din na sulitin
Gusto kong maglakbay, lumipad, mawala
Pumunta sa lugar na hindi kabisa
Ayos lang mag-isa, 'wag ka mabalisa
Malay mo bukas makalawa, ayos na
Ang lahat ay lilipas pagtagal
Wala din naman ditong permanente, sapagkat
Lahat ng 'to'y 'di atin kaya dapat lang sulitin
Ngayon alam mo na kung bakit
[Chorus]
Dami kong pinagdaanan at hindi 'yon madali
Pero kahit na gano'n ay mas pinili ko pa rin na ngumiti
Kasi napakaikli lang din naman ng buhay, ang bilis ng sandali, yeah
Mas mabuti na sulitin ang saya imbis na puro pighati
Kasi ganyan lang ang buhay, 'wag mainipin
Kung ano ang parating, 'wag masyadong isipin
May mangyari mang mali, 'la kang dapat sisihin
Pa'no ka magbabawi, 'yon ang dapat isipin

[Verse 2]
Madalas mang naliligaw
Ay pilitin mo pa ring 'wag ka mahibang
At piliin mo pa rin na maging ikaw
Sagipin ang sarili, 'wag ka bumitaw, yeah
Madalas man na nasusugatan
Parte 'yan ng paggaling, 'wag mong susukuan
Kahit ga'no kasakit ang pinagdaanan, kapit lang nang mahigpit
'Wag mong isipin na kalaban mo ang mundo, yeah
Laging isipin na parte lang 'yan, alam mo, oh

[Chorus]
Dami kong pinagdaanan at hindi 'yon madali (Yeah, yeah)
Pero kahit na gano'n ay mas pinili ko pa rin na ngumiti
Kasi napakaikli lang din naman ng buhay, ang bilis ng sandali
Mas mabuti na sulitin ang saya imbis na puro pighati
Kasi ganyan lang ang buhay, 'wag mainipin
Kung ano ang parating, 'wag masyadong isipin
May mangyari mang mali, 'la kang dapat sisihin
Pa'no ka magbabawi, 'yon ang dapat isipin
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net