Tayo lyrics
by Guddhist Gunatita
[Refrain]
Darada, dararararara
Darada, dararararara
[Verse 1]
Ating pagmasdan ang kagandahan nitong buhay
Gamit ang mata na siyang biyayang tunay
Damhin sa paa angking kasaganahan
Ang kalupaan kung saan lahat tayo naninirahan
Kaibigan, ako ay iyong kapatid
'Di tayo magkalaban, sana iyong mabatid
Na ang pagmamahalan sa ’tin ang magtatawid
Tungo sa walang hangganang buhay nais makamit
[Chorus]
Ikaw, ako
Sila, tayo
Ikaw ay ako
At sila'y tayo
[Refrain]
Darada, dararararara
Darada, dararararara
[Verse 2]
Ating pagbuksan ang kaisipan na sarado
Tulungan mo na lang, 'wag kang maging hurado
Normal lang mawala sa mundong ’di mo kabisado
Kaya nga ako nandito para mayro'n kang kasalo
Kadamay, kasama hanggang sa huli
Pag-ibig ibahagi, 'wag nang mag-atubili
Libreng ibibigay, 'di mo kailangan bumili
Patunay tayong 'di lahat nadadaan sa salapi
[Chorus]
Ikaw, ako
Sila, tayo
Ikaw ay ako
At sila'y tayo
[Refrain]
Darada, dararararara
Darada, dararararara
Darada, dararararara
Darada, dararararara
Darada, dararararara
Darada, dararararara