Tagsibol At Taglagas lyrics

by

Guddhist Gunatita


[Verse 1]
Tagsibol at taglagas
Dami nagdaan na kayamanan nawaldas
Pag-ibig na wagas panalangin 'wag magwakas
Nananalig na may gabay sa tinatahak na landas
Minadali ko ang lahat, dinulot depresyon
Parang damo na naligaw sa riles na may estasyon
Mabuting intensiyon, hinambalos man ng leksyon
Nando'n pa din ang koneksiyon sa sinasabi na misyon

[Verse 2]
Mga kaibigan kasama sa nakahiligan
Sabay-sabay tinama nagawa na kamalian
Ang kalokohan sa katawan nando'n pa din
Kailangan mo lang matauhan sa sariling salamin
Tumatakbo ang oras, lumilipas ang gabi
Kailan mo ba matututunan sila na isantabi?
'Yong mga tao na talagang walang paki
Nandiyan lang 'yan sa 'yong tabi 'pag mayro'n kang masusukli, sh*t

[Verse 3]
Walang sawang pag-intindi
Hapdi'y nalalasahan sa 'king bawat pagsindi
Sarili kinalaban, natutunan magtimpi
Tagpi-tagping pinagdaanan hanggang sa makauwi
'Yong dati kong gawi, tila limot ko na
Andami na ng nag-iba, pasensiya kung kinumpara
Ko ang sarili, walang iba na sinisisi
Nagtatanong hanggang ngayon ba't ba nananatili
[Verse 4]
Dito sa mundo, nagkalat ang tukso
Maling paniniwala sa dugo lumulukso
Ang hirap magtiwala sa sarili mong multo
Lalaruin ka ng bugtong hanggang sa ika'y malito
Minsan napapaisip na gustong magpahinga
Nawawalang ako sa'n na nga ba nagpunta
Ubos na salapi, wala nang maipupusta
Mahalaga nakangiti sa dami ng panghuhusga

[Verse 5]
Tinatawanan ko na lang sila sa isip
Kuntento na 'ko mag-isa na lang nananahimik
Nananaginip, naku, sana lang walang sumilip
Hindi kasi ako sanay na mayro'ng nakatitig
Ang mga himig sa utak ko, naglalaro
Napapasisid, gusto na nga mapalayo
Sa makikitid na tao at nilalakaran ko
Ang mga lubid na sa leeg nila tumutukso

[Verse 6]
Tagal na ding naggagala
Kaibigan ko noon buti nangangamusta pa
Sagot ko lang, "Heto, patuloy na nagtitiyaga"
Umaasang sa dulo, bahaghari ang makakapa (Makakapa)
Tagal na ding naggagala
Kaibigan ko noon buti nangangamusta pa
Sagot ko lang, "Heto, patuloy na nagtitiyaga"
Umaasang sa dulo, bahaghari ang makakapa
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net