Pagbangon lyrics

by

Guddhist Gunatita


[Chorus]
Heto na naman ang umaga
May liwanag at may pag-asa
Mangarap at lumipad, lumipad, lumipad
Magpatuloy ka sapagkat, sapagkat, sapagkat
Heto na naman ang umaga
May liwanag at may pag-asa
Mangarap at lumipad, lumipad, lumipad
Magpatuloy ka sapagkat, sapagkat, sapagkat (Yeah, hm)

[Verse 1]
Magpasalamat sapagkat sa kabila ng pighati
Merong ikaw sa harapan ng salamin nakangiti
Ang buhay ay napakakulay, 'di lang 'yan itim puti
Nasa sa 'yo kung pa'no mo gagampanan 'wag magkuble
Hmm ilabas mo ang nilalaman
Ng damdamin mo at isip alam mo bang maganda 'yon
Maging busilak sa buhay 'wag na 'wag ka mag sasawa
Lagi mong tatandaang sarili mo ikaw may hawak

[Verse 2]
Ibahagi ang pag-ibig sa sanlibutan
Kung madilim man ang paligid mo
Puwede mo na simulang magpaliwanag
Minsan tanggapin hindi panatag
Ang pagtahak mo sa lupang mahiwaga at malawak
Ang mga nadarama ay pansamantala
Bitawan mo na ang kaba
Pagmamahal ang itira
'Wag ka matakot
Sa poot ay 'wag kang magpasakop
May liwanag sa dilim ng kalawakan
At 'yon tayo
[Chorus]
Heto na naman ang umaga
May liwanag at may pag-asa
Mangarap at lumipad, lumipad, lumipad
Magpatuloy ka sapagkat, sapagkat, sapagkat
Heto na naman ang umaga
May liwanag at may pag-asa
Mangarap at lumipad, lumipad, lumipad (Yeah, yeah, yeah)
Magpatuloy ka sapagkat, sapagkat, sapagkat
(Yeah, hm)

[Verse 3]
Napakalawak ng mundo ibat-ibang pulo
Kapag may parteng magulo kailangan nating mabuo
Ang pagkakaisa, pagmamahal ang ating mahika
Walang maiiwanan sa 'ting byahe at kasama ka
Layag, tawid tagos papuntang kabila
Kung sa'n payapa ang lahat
Malaya kang magsalita ng saloobin
Merong makikinig sa 'yong dalangin
Ilahad mo lang lahat
Maging tapat ka sa damdamin

[Verse 4]
Magandang umaga, ito ay harana
Para sa lahat na bumabangon diyan sa kama
Para kay mama at sa aking dalaga
Makakaya natin basta tayo magkasama
Ano man ang pagsubok ito, makakaya mo
Ang buhay natin minsan ay sadyang baliko
Ang hirap ituwid, pero 'wag kang hihinto
Habaan mo pa ang pasensiya, nasa dulo ang ginto
Patak ng bawat luha sa sakit nadarama
Pinipilit mong ngumiti ngunit wala do'n yung saya
Palagi mong iisipin na hindi nag-iisa
Lilipas din ang pighati kaya 'wag kang mag-alala
[Chorus]
Heto na naman ang umaga
May liwanag at may pag-asa
Mangarap at lumipad, lumipad, lumipad (Yeah, yeah, yeah)
Magpatuloy ka sapagkat sapagkat sapagkat
Heto na naman ang umaga
May liwanag at may pag-asa
Mangarap at lumipad, lumipad, lumipad
Magpatuloy ka sapagkat, sapagkat, sapagkat
Heto na naman ang umaga
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net