Kailangan Mo Ba Ang Puso Ko lyrics

by

Frank Ely


[Verse 1]
Ga'no ba katagal
Kung ako'y maghihintay sa'yo?
'Di naman siguro aabutin ng ilang taon
Kahit na pag-ibig ko'y 'di man nauubos
Matagal pa ba?
Sabi mo'y "Saglit na lang ako"
Oh, alam mo din namang maghihintay ako sa'yo
Kahit na hanggang sa langit pa

[Chorus]
Giliw, dalangin ko
Ang makasama lang kita, oh, puwede ba?
May pag-asa ba akong mapasaiyo?
Kailangan mo ba ang puso ko?
Giliw, dalangin ko
Ang makasama lang kita, oh, puwede ba?
May magagawa ka ba kung mahal kita?
Kailangan mo ba ang puso ko?

[Verse 2]
Matagal na rin
No'ng ako'y napamahal sa'yo
'Di mo ba ako napapansin o manhid ka lang?
Bakit ba ang hirap mo laging makasama?
Nasa'n ba ako?
Nariyan ba 'ko sa puso mo?
'Di naman posibleng nalimutan mo na lang ako
Kung gano'n ay kalimutan mo na lang tayo
[Chorus]
Giliw, dalangin ko
Ang makasama lang kita, oh, puwede ba?
May pag-asa ba akong mapasaiyo?
Kailangan mo ba ang puso ko? Oh-oh
Giliw, dalangin ko
Ang makasama lang kita, oh, puwede ba?
May pag-asa ba akong mapasaiyo?
Oh, maghihintay naman ako
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net