Kung Wala Ka Bukas lyrics

by

Frank Ely


[Verse 1]
Kung wala ka bukas giliw, may pag-asa ba akong
Umiyak at magtagal sa mundong iiwan mo?
Giliw, 'di mo ba ’ko iniisip?
Oh, kawawang buhay 'to kung wala ka na

[Verse 2]
Kung wala ka bukas giliw, mapayapa na ako
Sapagkat 'di ko kayang mawala ang tulad mo
Giliw, may pag-ibig ba sa langit?
’Di ko alam kung do'n ako mapupunta

[Verse 3]
Kung wala ka bukas giliw, oh, saan ka nagpunta?
Ang lahat ay gagawin makasama lang kita
Giliw, ang sagrado mong pag-ibig
Oh, kailan man hinding-hindi ipagpapalit

[Verse 4]
Kung wala ka bukas giliw, oh, may oras ba akong
Umiyak at umalala ng mabuting panahon?
Giliw, mabigat sa 'king damdamin
Ang mawalay sa iyo'y pagkasakit-sakit

[Outro]
Ang iyong pag-ibig ay walang kasing tamis
Oh, ang pag-ibig mo'y walang kasing sakit
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net