Sintagal lyrics
by Frank Ely
[Verse 1]
'Di mo ba alam? Minsan, ako'y tulala
'Di makapaniwalang ikaw ay akin na
Kahit hindi ka magsabi, alam ko
Na ako ang iniibig mo
[Verse 2]
'Wag ka nang mag-alala, wala akong iba
Kahit kailan, ika'y nag-iisa
Dahil hindi naman pangit ugali mo
Sa iyo'y kontento na ako
[Chorus]
Buti na lang, dumating ka na, sinta
Kay tagal ko nang nag-iisa
Ba't ngayon ka lang?
Kahit na ang oras man sa atin ay hindi sapat
Bawal bang mahal kita agad?
[Verse 3]
Bakit sa tuwing ika'y makikita?
'Di mapigilan, aking pagsinta
Bakit sabik na mahagkan kita
Kahit nagtatampo ka na? Ah-ah-ah
[Instrumental Break]
[Chorus]
Buti na lang, dumating ka na, sinta
Kay tagal ko nang nag-iisa
Ba't ngayon ka lang?
Kahit na ang oras man sa atin ay hindi sapat
Bawal bang mahal, bawal bang mahal
Bawal bang mahal kita agad?