Pakikinabang lyrics

by

Bukas Palad Music Ministry



[Berso 1]
Tinapay na binasbasan, binunga ng lupa’t ulan
Hinati at inialay, handog namin sa ‘Yong hapag
Lahat ng gutom paramin, O D’yos naming mahabagin
Sa katawang tatanggapin, pagsasaluhan sa piging

[Berso 2]
Ang alak na inumin— dugong aming tatanggapin
Ang uhaw ay papawiin, lumbay nami’y tatanggalin
Sa kalis ng bagong tipang amin ngayong iinuman
Ganap na kapatawaran sa a-ming kasalanan

[Berso 3]
Hesus naming minamahal, buhay at naritong ganap
Ang Katawan at dugo Mo ay amin nang tinatanggap
Sa bawat na paggunita sa krus Mo at pagkabuhay
Aming laging nadarama, pag-ibig Mong sadyang tunay

[Optional Verse for Christmas, Passiontide, Feast of Sacred Heart, and Easter]

Sa ‘Yong kapangana-kan, dangal muling itinatag
Sa puso Mong sinugatan, dumaloy ang Iyong habag
Sa ‘Yong muling pagkabuhay, pag-asa nami’y sumilay
Kapayapaang ‘Yong bigay, dulot sa ‘mi’y bagong buhay

[Optional Verses for Easter]
Sa bisa ng aming binyag, kami’y ‘Yong naging kapisan
Kasama sa kamatayan, ka(i)’sa sa bagong bu-hay
Espiritu’y panaogin, bayan namin ay baguhin
Nang loob Mo’y aming sundin, Ikaw at kapwa’y ibigin

Tulutan Mong kami’y maging anong sa ‘min ay tumigib:
Sa naapi’y katarunga’t paglaya sa napipiit
Pag-asa ng nangangamba, paglingap sa dukha’t aba
Pag-ibig na pinipita ng sa Iyo’y umaasa

Pagkain at inu-min na pinakikinabangan
Handog ng D’yos sa bayan N’yang sinisinta’t hinihirang
Kami nawa’y patnubayan, samahan sa paglalakbay
Hanggang aming mahantungan ang buhay na walang hanggan
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net