Nasa Palad Mo lyrics
by Bukas Palad Music Ministry
[Berso 1]
Pagsikat ng umaga sa mundong nahihimlay
Ginigising ng silahis ang likha ng Iyong kamay
Ang init ng 'Yong araw, nagbibigay-buhay
Sa mundong gumagalaw sa kumpas ng ’Yong kamay
[Refrain]
Nasa palad Mo ang araw at gabi. Nasa palad Mo ang lupa at langit
Nasa palad Mo ang sandaigdigan. Nasa palad Mo ang kaganapan ng kasaysayan
Nasa palad Mo!
[Berso 2]
Pagpanaw ng liwanag sa mundong mahihimlay
Maglalaho ang ligalig sa marahan Mong pagbantay
Digmaan at alitan, pagtangis at lumbay:
Mahihilom ang lahat sa pagtangan ng 'Yong kamay
[Refrain]
Nasa palad Mo ang araw at gabi. Nasa palad Mo ang lupa at langit
Nasa palad Mo ang sandaigdigan. Nasa palad Mo ang kaganapan ng kasaysayan
Nasa palad Mo!
[Bridge]
Tibayan ang aming loob! Ang kaguluhan sa mundo
Masusugpo sa wakas ng Iyong lakas!
[Refrain]
Nasa palad Mo ang araw at gabi. Nasa palad Mo ang lupa at langit
Nasa palad Mo ang sandaigdigan. Nasa palad Mo ang kaganapan ng kasaysayan
Nasa palad Mo!
[Outro]
Nasa palad Mo! Nasa palad Mo!
Pagsikat ng liwanag; ang init ng 'Yong araw!