Sa Tingin Mo lyrics

by

Bukas Palad Music Ministry



[Berso 1]
Sa tingin Mo, nakita ko ang tunay na makauunawa
Ng aking naiisip at nadarama, nakita ko sa tingin Mo

[Berso 2]
Sa tingin Mo ay natanto, kung paanong dapat isabuhay
Ang isang pananampalataya, natanto sa tingin Mo

[Refrain]
Sa tingin Mo, nakita ko! Sa tingin Mo ay natanto!
Sa tingin Mo ay nadama! Sa tingin Mo, naniwala!

[Berso 3]
Sa tingin Mo ay nadama, dakila Mong pagmamahal
At wagas na kadakilaan, nadama sa tingin Mo

[Bridge]
At doo'y natanggap ko rin, walang ibang dapat gawin
Kundi ang ipaubaya sa Iyo ang takbo ng aking puso
At ng aking isip, damdamin at lahat ng alalahanin

[Berso 4]
Nang sa gayon, tunay nga ako ay magiging karapat-dapat
Nang sa gayon, tunay nga ako ay magiging karapat-dapat

[Refrain]
Sa tingin Mo, nakita ko! Sa tingin Mo ay natanto!
Sa tingin Mo ay nadama! Sa tingin Mo, naniwala!
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net