Ina ng Paglaya lyrics

by

Fr. Eduardo Hontiveros SJ


[Verse 1]
Kami’y dumudulog, O mahal na Ina
Dinggin ang pagsamo ng bayan mong sinta
Kami’y tulungan mo sa pakikibaka
Upang makalaya sa’ming pagdusa

[Chorus]
O sana’y dinggin mo, O mahal na Birhen
Taos na dalangin ng bayan mong giliw
Tulungan mong put’lin ang pagkaalipin
Dangal ipagtanggol, laya’y pasulungin

[Verse 2]
O Birheng mapagpala’t mapagkalinga
Ilapit mo kami sa Diyos na dakila
Lingapin Mo kami’t mamagitan nawa
Nang makamit lubos ang naglahong laya

[Chorus]
O sana’y dinggin mo, O mahal na Birhen
Taos na dalangin ng bayan mong giliw
Tulungan mong put’lin ang pagkaalipin
Dangal ipagtanggol, laya’y pasulungin
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net