Liwanag ng Aming Puso [Remastered 2021] lyrics
by Fr. Eduardo Hontiveros SJ
[Verse 1]
Liwanag ng aming puso, sa ami'y manahan ka
Ang init ng 'Yong biyaya, sa amin ipadama
Patnubay ng mahihirap, O aming pag-asa't gabay
Sa aming saya at hapis, tanglaw Kang kaaya-aya
[Verse 2]
Liwanag ng kaaliwan, sa ami'y dumalaw Ka
Kalinga Mo ang takbuhan noong unang-una pa
Pawiin ang aming pagod, ang pasani'y pagaanin
Minamahal kong kandungan, sa hapis kami'y hanguin
[Verse 3]
Liwanag ng kabanalan, sa ami'y mamuhay Ka
Ang ningas ng 'Yong pag-ibig ang siyang magsilbing gabay
'Pag nalayo Ka sa amin, ang tao'y walang halaga
'Di namin makakayanang hanguin ang kaluluwa
[Verse 4]
Liwanag ng aming puso, sa ami'y manahan Ka
Idulot Mo po sa amin: kapayapaang wagas
Ang 'Yong gantimpala't mana, pangako Mong kasarinlan
Ang bunga ng pangkandili, ligaya magpakailanman