Ina ng Kapayapaan lyrics

by

Fr. Eduardo Hontiveros SJ


[Verse 1]
Maria, Ina ng Kapayapaan
Turuan mo kaming magmahalan
Lahat naman kami ay isang bayan
Lahat magkapatid sa'yong Anak

[Verse 2]
Hilumin mo ang sugat ng aming puso
Poot at pagdadanak ng dugo
Sana'y pukawin mo sa alaala
O Ina, ang 'yong pagmamahal

[Verse 3]
At bakit kami ay nagpapatayan
Kapatid sa kapatid lumalaban
Lahat na ba'y aming nalilimutan
Pag-ibig ng Inang nagmamahal?

[Verse 4]
Paano ang alay kay Hesukristo?
Dugong inihandog N'ya sa Krus
Pigilin ang kamay na nabubuhat
Sa dahas, Inang minamahal

[Verse 1]
Maria, Ina ng Kapayapaan
Turuan mo kaming magmahalan
Lahat naman kami ay isang bayan
Lahat magkapatid sa'yong Anak
[Verse 2]
Hilumin mo ang sugat ng aming puso
Poot at pagdadanak ng dugo
Sana'y pukawin mo sa alaala
O Ina, ang 'yong pagmamahal

[Outro]
Sana'y pukawin mo sa alaala
O Ina, ang 'yong pagmamahal
O Ina, mapagmahal
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net