Ang Mga Mapapalad lyrics
by Fr. Eduardo Hontiveros SJ
[Verse 1]
Mapalad ang mga dukhang sa yaman ay salat
Makakamit nilang lubos kaharian ng Diyos
Mapalad ang maralitang mababa ang loob
Mana nila’y nakalaan, mundo’y makakamtan
[Chorus]
Magdiwang sa tuwa’t galak, kayo, mga sintang anak
Akong Diyos n’yo naririto mamahalin kayo
[Verse 2]
Mapalad ang naghahanap sa tama at matuwid
Lakas ng Diyos ilalaan sila’y masisiyahan
Mapalad ang nalulumbay: Silang aaluin
Mapalad ang mahabagin: awa’y tatanggapin
[Chorus]
Magdiwang sa tuwa’t galak, kayo, mga sintang anak
Akong Diyos n’yo naririto mamahalin kayo
[Verse 3]
Mapalad ang nasa mundong tagapagtiwasay
Babansagan silang lubos mga anak ng Diyos
Mapalad ang api’t aba sa ngalan ng mat’wid
Kahariang mapanubos ang siyang handog ng Diyos
[Chorus]
Magdiwang sa tuwa’t galak, kayo, mga sintang anak
Akong Diyos n’yo naririto mamahalin kayo