Likhain Mong Muli lyrics

by

Fr. Eduardo Hontiveros SJ


[Verse 1]
Ilikha Mo kami ng 'sang bagong puso
Hugasan ang kamay na basa ng dugo
Linisin ang diwang sa halay ay puno
Ilikha Mo kami ng 'sang bagong puso

[Verse 2]
Itindig Mo kami, kaming Iyong bansa
Akayin sa landas patungo sa kapwa
Ihatid sa piging na 'Yong inihanda
Itindig Mo kami, kaming iyong bansa

[Verse 3]
Amang D'yos, 'Yong baguhin ang tao't daigdig
Sa banal na takot, samba'ng nanginginig
Ibalik ang puso, bayang nanlalamig
Likhain Mong muli kami sa pag-ibig
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net