Sa Piging ng Panginoon lyrics
by Fr. Eduardo Hontiveros SJ
[Chorus]
Sa piging ng ating Panginoon, tayo’y laging natitipon
Upang matutong magmahalan sa pag-ibig na nakamtan
[Verse 1]
Buhay ay inialay N’ya sa Dakilang Diyos Ama
Upang atin nang makamtan, buhay na walang hanggan
[Chorus]
Sa piging ng ating Panginoon, tayo’y laging natitipon
Upang matutong magmahalan sa pag-ibig na nakamtan
[Verse 2]
Buhay ay inialay N’ya, upang tayo’y magkaisa
Sa paghahatid ng ligaya mula sa pag-ibig N’ya
[Chorus]
Sa piging ng ating Panginoon, tayo’y laging natitipon
Upang matutong magmahalan sa pag-ibig na nakamtan
[Verse 3]
May galak na makakamtan sa bawat pagbibigyan
Habang buhay ay ingatan ang tapat na samahan
[Chorus]
Sa piging ng ating Panginoon, tayo’y laging natitipon
Upang matutong magmahalan sa pag-ibig na nakamtan
[Verse 4]
Dinggin ang aming dalangin sa Iyo, Poong Mahal
Ang lihim ng ‘Yong pag-ibig, sana’y aming makamtan