Ethel Cain - Family Tree (Pagsasalin sa Filipino) lyrics
by Genius Pagsasalin Sa Filipino
[Verse 1]
Itong mga krus sa buo kong katawan
Pinapaalala kung sino ako noon
Inalay ko ang aking sarili sa kaniya
Hinayaang ang pagkababae ko'y kaniyang angkinin
Pero kahit bata ako, gagamit ako ng dahas kung kinakailangan
Pinalaki ako ni mama ng mas maayos kaysa sa ganiyan
Kapag magsasalita yung predikador, gusto niya ng katahimikan
At sabi ni tatay, dapat ikaw ang unang bumaril saka ka tumakbo at huwag nang lumingon pabalik
[Chorus]
Kaya dalhin mo ako sa ilog at paliguan
Isakay mo ako sa iyong puting kabayo
Papunta sa kapilya, at hayaang ako'y iyong angkinin
[Verse 2]
Nakapatay na ako dati at papatay ulit ako
Tatanggalin ang tali sa aking leeg, at ibabalot ng mahigpit sa kamay ko
Sabi nila kahit ang langit ay walang kumpara sa galit ng isang babaeng nilapastangan
At baby, ang impyerno'y hindi ko kinakatakutan, dahil ilang beses ko na itong napuntahan
[Chorus]
Kaya dalhin mo ako sa ilog at paliguan
Isakay mo ako sa iyong puting kabayo
Papunta sa kapilya, at hayaang ako'y iyong angkinin
[Bridge]
These crosses all over my body
Remind me of who I used to be
Let Christ forgive these bones I've been hiding
And the bones I'm about to leave
Itong mga krus sa buo kong katawan
Pinapaalala kung sino ako noon
Naway'y patawarin ng diyos itong lihim kong mga buto
At ang mga butong iiwan ko
[Chorus]
Kaya't dalhin mo ako sa ilog at paliguan
Isakay mo ako sa iyong puting kabayo
Papunta sa kapilya, at hayaang ako'y iyong angkinin