Taylor Swift - ivy (Filipino Translation) lyrics
by Genius Pagsasalin Sa Filipino
[Talata 1]
Paano malalaman ng 'sang tao?
Makikilala kita sa tagpuan ng kaluluwa't mga buto
Sa lupang nakalimot ng pananalig
Mula sa niyebe
Ang haplos mo'y nagdulot ng nagbabagang liwanag
Nadungisan pero sobrang engrande
[Pre-Koro]
At ang tandang balo'y dumadalaw sa libingan araw-araw
Ngunit hindi ako, nakaupo lang ako rito't naghihintay
Nagdadalamhati sa nabubuhay
[Koro]
Oh, tangina
Ang sakit ko'y kasya sa palad ng kamay mong nagyeyelo
Hawak mo, pero naipangako na 'to sa iba
Oh, 'di kita
Mapigilang magtanim sa 'king lupain ng pangarap
Sa 'king bahay na bato, galamay-amo mo'y lumalago
At ngayon ako’y nakabalot sa 'yo
[Talata 2]
Nais kong malaman
Ang kapintasang nagpapahangad sa 'yo na maging
Marilag na isinumpa
Siya'y nasa silid
Ang opalo mong mata ang nais ko lang na makita
Gusto niya ang kung ano'y sa 'yo lang
[Koro]
Oh, tangina
Ang sakit ko'y kasya sa palad ng kamay mong nagyeyelo
Hawak mo, ngunit naipangako na 'to sa iba
Oh, 'di kita
Mapigilang magtanim sa 'king lupain ng pangarap
Sa 'king bahay na bato, galamay-amo mo'y lumalago
At ngayon ako’y nakabalot
[Talata 3]
Namumulaklak ang mga clover sa mga bukid
Ang tagsibol ay dumating, ang oras ay nalalapit
Anong magagawa niya kung mahuli niya tayo?
Buwang gasuklay, malinaw ang baybayin
Ang tagsibol ay dumating, ang takot gayundin
Susunugin niya ang bahay na 'to hanggang sa abo
Paano malalaman ng 'sang tao?
Bubuhay ako't papanaw para sa mga sandaling ating ninakaw
Sa minalimos at hiram na oras
Kaya't sabihin mong tumakbo ako
O buong tapang mong panoorin ang mangyayari sa 'tin
At inumin ang alak ng aking kabiyak
[Koro]
Oh, tangina
Ang sakit ko'y kasya sa palad ng kamay mong nagyeyelo
Hawak mo, ngunit naipangako na 'to sa iba
Oh, 'di kita
Mapigilang magtanim sa 'king lupain ng pangarap
Sa 'king bahay na bato, galamay-amo mo'y lumalago
At ngayon ako’y nakabalot sa 'yo
At ako’y nakabalot sa 'yo
[Bridge]
Kaya oo, ito'y apoy
Ito'y lintik na liyab sa dilim
At sinimulan mo 'to
Sinimulan mo 'to
Kaya oo, ito'y digma
Ito'y lintik na laban ng buhay ko
At sinimulan mo 'to
Sinimulan mo 'to
[Koro]
Oh, 'di kita
Mapigilang magtanim sa 'king lupain ng pangarap
Sa 'king bahay na bato, galamay-amo mo'y lumalago
At ngayon ako’y nakabalot
Sa 'yo, sa 'yo
Ngayon ako’y nakabalot sa 'yo
Sa 'yo