Iyo Magpakailanman lyrics
by Richard Reynoso
[Verse]
Aking napatunayan na wala na ngang iba
Ang matibay na sandigan at kublihan ko tuwina
Tumagal man ang panahon, lumabo man ang paningin
Sadyang Ikaw, Panginoon, Ikaw lamang ang susundin
[Pre-Chorus]
Ang buhay ko'y ihahain, isang patotoo
Ng pag-ibig Mong walang maliw, siyang kaligtasan ko
Magdaan man ang panahon, maanod man sa alaala
Sa 'Yo Panginoon, magtitiwala sa tuwina
[Chorus]
Ako'y Iyo magpakailanman
Ang buhay ko sa 'Yo'y walang hanggan (Walang hanggan)
Dahil kusa kong inako wagas na pag-ibig Mo
Kaligtasan ko'y sa 'Yo magpakailanman (Magpakailanman)
[Pre-Chorus]
Ang buhay ko'y ihahain, isang patotoo
Ng pag-ibig Mong walang maliw, siyang kaligtasan ko
Magdaan man ang panahon, maanod man sa alaala
Sa 'Yo, Panginoon, maninindigan sa tuwina
[Chorus]
Ako'y Iyo (Ako'y Iyo) magpakailanman
Ang buhay ko sa 'Yo'y walang hanggan (Walang hanggan)
Dahil kusa kong inako wagas na pag-ibig Mo
Kaligtasan ko'y sa 'Yo magpakailanman
Ako'y Iyo (Ako'y Iyo) magpakailanman (Magpakailanman)
Ang buhay ko sa 'Yo'y walang hanggan (Walang hanggan)
Dahil kusa kong inako wagas na pag-ibig Mo
Kaligtasan ko'y sa 'Yo magpakailanman
(Magpakailanman) Magpakailanman