Na Naman lyrics

by

Richard Reynoso



[Intro]
Hay, na naman
Ooh
Yeah, yeah-hey

[Verse 1]
At pagkailan na bang nagkagan'to?
Pilitin mang tapusin ang lahat nang 'to
Pagkatapos ng panandalian lang
Muling hayaan puso ay buksan

[Refrain]
Kahit gano'ng pilit sa aking isip
Ay 'di mapipigilang umibig

[Verse 2]
At pagkailan na bang sinabi ko
Ayoko na ang magbalik sa piling mo?
Ngunit 'di pa man ako nagtatagal
Ang hanap ko'y iyong pagmamahal

[Pre-Chorus]
Para lamang baliw na walang kasaliw
Pinapangarap ay ikaw, giliw

[Chorus]
Na naman, heto na naman
At binabalik-balikan ang pagmamahalan
Na naman, 'di maiwasan
Bakit ba hindi malimutan ang dating lambingan?
[Verse 3]
At pagkaulit na bang sinabi ko
Ayoko na ang magbalik sa piling mo?
Ngunit 'di pa man ako nagtatagal
Ang hanap ko'y iyong pagmamahal

[Refrain]
Kahit gano'ng pilit sa aking isip
Ay 'di mapipigilang umibig (Na naman)

[Chorus]
Na naman, heto na naman
At binabalik-balikan ang pagmamahalan
Na naman, 'di maiwasan
Bakit ba hindi malimutan ang dating lambingan?

[Bridge]
Bakit ba naman kung kailan nagwakas
Itong pagmamahalan ay ngayon pa lumakas?
Ang sigaw ay ikaw, puso'y 'di na nga malaman
Ang hiling, 'yon pa rin, sana tayo na naman
'Pag ito tayo na, 'pagkat wala na ngang iba
Kun'di tayong dalawa, oh-oh
Heto na naman

[Chorus]
Na naman, 'pagkat wala na ngang iba
Heto na naman, kun'di tayong dalawa
At binabalik-balikan ang pagmamahalan
(Hay na naman) Palagay ko tayo
Na naman, 'pagkat wala na ngang iba
'Di maiwasan, kun'di tayong dal'wa, oh-oh-oh
Bakit ba 'di malimutan ang dating lambingan?
Heto na naman
(Ang sigaw ay ikaw na naman)
Na naman, 'pagkat wala na ngang iba
Heto na naman, kundi tayong dal'wa
At binabalik-balikan ang pagmamahalan
(Ang hiling ko naman, na naman)
Na naman, 'pagkat wala na ngang iba
'Di maiwasan kundi tayong dal'wa, oh-oh-oh
Bakit ba 'di malimutan ang dating lambingan
(Sana tayo na naman)
Na naman, 'pagkat wala na ngang iba
Heto na naman kundi tayong dal'wa, oh-oh-oh
At binabalik-balikan ang pagmamahalan
[Outro]
Bakit ba naman kung kailan nagwakas
Itong pagmamahalan ay ngayon pa lumakas?
Na naman
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #
Copyright © 2012 - 2021 BeeLyrics.Net