Magbalik Pa Kaya lyrics
by Richard Reynoso
[Verse 1]
Ang buhay ko ngayo'y nag-iisa
Pag-asa ay 'di na makita
Sa isip ko'y naaalala pa
Mga araw natin na ubod nang saya
[Pre-Chorus]
Damdamin ko'y 'di mapigilan
Sinisigaw ang 'yong pangalan
Kailan kaya muling madarama?
Pag-ibig mo sa 'kin, magbalik pa kaya?
[Chorus]
Ako ngayo'y naririto, nagmamahal pa rin sa 'yo
Umaasang makamtan muli ang puso mo
Oh, huwag ka nang mangagamba
Hindi na ako lilisan pa
Ikaw lang ang mamahalin
Tanging ikaw lamang, sinta
[Verse 2]
Damdamin ko'y 'di mapigilan
Sinisigaw ang 'yong pangalan
Laging tanong sa aking isipan
Maibabalik pa ba ang ating nagdaan?
[Chorus]
Ako ngayo'y naririto, nagmamahal pa rin sa 'yo
Umaasang makamtan muli ang puso mo
Huwag ka nang mangangamba
Hindi na ako lilisan pa
Ikaw lang ang mamahalin
Pagsuyo ko'y bigyang-pansin
Pagmamahalan na tapat
Magbalik pa kaya sa 'tin?
[Outro]
Magbalik pa kaya'ng lahat, sinta?